Poopsy14

"True love is not how you forgive, but how you forget, not what you see but what you feel, not how you listen but how you understand, and not how you let go but how you hold on."

Tuesday, June 15, 2010

Tula ng Pag-ibig ♥ by Chenny Raymundo=)

♥♥♥♥♥

Nasa ikalawang taon ng hayskul mula

noong unang nagkakilala

agad nahulog ang aking loob sa iyo.

Sa araw-araw na pagkikita, lalong tumitindi

ang aking nararamdaman ngunit pilit na itinatago

dahil sa ika’y may ibang hinahangaan.

Patuloy na inilihim ang aking nararamdaman

dahil alam kong wala rin naman mapapala

kung ito’y iyong malaman.

Hanggang sa dumating ang panahon na

malapit na ang ating pagtatapos, naglakas

loob na akong sabihin ang nararamdaman.

MAHAL KITA! at ang dalawang salita na iyan

ang nais ko lamang iparating sa’yo.

Hindi na importante sa akin kung ano ang

maging reaksyon, basta’t masaya na ako na

nasabi ko na ang aking tunay na nararamdaman.

Pinaglayo ang ating landas

Nagkaraoon ng kanya kanyang buhay

kanya kanyang karelasyon

ngunit sa aking puso

ikaw parin ang binibigkas

Walang araw na di ka inisip

simpleng bagay, simpleng gawain

sa puso’t isipan ika’y sumasagi

tila ang pusong ito ay

nakalaan lamang para sa’yo.

Hinayaan ko lamang ang panahon

Ang panahon para sa ating dalawa

Ang panahon na kung saan atin ang mundo

At ang panahon na matutunan natin mahalin

ng buo ang isa’t isa.

Hanggang sa ito ay dumating

sa pagkakataong ito ako’y lubos na naging masaya

alam kong ako’y tunay na nagmamahal

dahil samu’t sari ang aking nararamdaman.

O anung nadarama tuwing ika’y aking kasama

parang nasa langit sapagkat sa piling

mo’y palaging masaya.

Walang makakapantay sa pag-ibig

na iyong inaalay, dahil sa natatangi ang

iyong PAG-IBIG.

2 comments:

  1. neng pag inlove ka talaga ang cheesy ang dating ....hahaha

    ReplyDelete
  2. ahehehe :) totoo po :) di ko na nga alam mga pinagsasasabi ko jan ee!

    ReplyDelete